When Yanna was a little girl, nag-iwan
ng memento si Obi–a miniature wooden
doll he himself created. Years later,
they met again–and their friendship
blossomed into romance. Sa ikalawang
pagkakataon, pinaghiwalay sila ng
kanyang matapobreng ina. Ngunit ngayon
ay ibang memento ang iniwan ni Obi sa
kanya–a daughter who bore the doll’s
name, “Bianna.”
Pagkamuhi ang pilit na pinanaig niya
sa kanyang puso nang muling magtagpo
ang mga landas nila ni Obi, na ngayon
ay pamilyado na. Subalit ang tunay na
pag-ibig ay sadyang mahirap mapuksa,
pilit na kumakawala kesehodang siya ay
magkasala…
Sa kabila ng masalimuot na buhay ni
Yanna, may happy ever after bang
naghihintay sa kanya?
Latest Updates RSS
-
holly g.
-
holly g.
Napuno ng pighati ang buhay ni Eladia ay puno ng pighati mula nang mamatay ang kanyang mga magulang.. Si Fidel ang unang taong nagbigay sa kanya ng sense of belongingness. Ngunit sa pagnanais niyang mabago ang kanyang buhay, napilitan siyang iwan ito at ang kanilang supling.
Hanggang sa mabalitaan niyang namatay ang mga ito sa isang aksidente. Nang makabangon siya mula sa pagkakasadlak, isa-isa niyang binalikan ang mga taong may kasalanan sa kanya. Ngunit sa kabila niyon ay hungkag pa rin ang kanyang pusong sabik sa tunay na kaligayahan.
Nang sa wakes ay abot na sana niya ang kaligayahan dahil sa pagkakadiskubre niyang buhay pala ang kanyang mag-ama, hindi pa rin pala siya maaaring maging maligaya.
Dahil napopoot si Fidel sa kanya. -
holly g.
Sino na ang nakabasa ng GEMS ni Camilla? Ano masasabi nyo?
-
holly g.
Mga apo ni lola Camilla, dito kayo magpunta at mag-chikahan tayo! Kung may mga alam kang bagong chika tungkol kay lola C at sa mundo ng Tagalog romance, join ka na here!

